Wednesday, July 13, 2011

waiting shed

Wednesday, July 13, 2011
"sana magkita ulit tayo"
sabi ko sayo,
habang naghihintay ka ng dyipning
maghahatid sayo sa kanya.
"magkikita ulit tayo"
sabi mo sakin.
pero di mo maipangako.
"maghihintay ako"
sabi ko sa sarili ko,
habang nakikita ko na ang dyipning papalapit,
ang dyipning maghahatid sayo sa kanya.
-hihintayin kita dito,
dito kung san mo ko iiwan,
kahit ilang dyipni pa ang dadaan,
dito parin ako, maghihintay sayo.
"mahal na mahal kita"
bulong ko sa sarili ko.
bago ka tuluyang nilamon ng
dyipning maghahatid sayo sa kanya.
alam kong narinig mo,
alam kong alam mo,
pero alam kong ayaw mo na.
kaya maghihintay nalang ako,
baka sakaling balikan mo pa ko,
dito....
sa dampa..

0 comments